OPISYAL NA PAGLULUNSAD NG FIELD TESTING NG CARRAGEENAN PGP SA MGA PANGUNAHING REHIYON NA NAGTATANIM NG MAIS AT PALAY
March 28, 2018- Opisyal nang inilunsad sa Los Banos Laguna kamakailan ang proyektong nagbigay ng katiyakan sa bisa ng carrageenan bilang plant growth promoter (PGP) para sa mais at palay. Mga opisyales kasama ng mga dalubhasa buhat sa Philippine Council for Agriculture, Aquatic and Natural Resources Research and Development of the Department of Science and Technology (DOST-PCAARRD), Department of Agriculture (DA), National Crop Protection Center of the College of Agriculture at Food Science of the University of the Philippines Los Baños (NCPC-CAFS, UPLB), kasama ang DA/DOST Regional Offices in Regions 1, 2, 3, 4a, 6, 9, and 11, ay isina pinal ang kasunduan kasabay ng isang pagpupulong na ginanap sa DOST-PCAARRD headquarters.
May titulong “Field Verification of Carrageenan Plant Growth Promoter (PGP) for Enhanced Growth and Induced Pest and Disease Resistance in Rice and Corn” ang proyekto ay magko conduct ng field testing nang Carrageenan PGP sa mga lugar na pangunahing nagpo prodyus ng bigas at mais sa bansa.
Layunin ng proyekto na pag ibayuhin ang rice productivity ng bansa at mabawasan ang production cost ng mga Filipino rice farmers. Magpo pokus ito sa pag enhance ng crop health and resiliency laban sa mga peste at sakit ng palay sa pamamagitan ng pag a apply ng carrageenan PGP.
Ang Carrageenan PGP, isang teknolohiyang buhat sa Philippine Nuclear Research Institute (DOST-PNRI), ay napag alamang mataas sa potassium (K), magnesium (Mg), at calcium (Ca), na nakatutulong mapag ibayo ang paglaki development, at immune system ng palay
Upang ma-beripika ang effectiveness nito bilang foliar spray, nakipagtulungan ang DA and DOST upang ma monitor at magsagawa ng mga field test results sa mga pangunahing lugar nang bansa na nagpo prodyus ng palay
Susubukin rin ng grupo ang efficacy ng teknolohiya upang makapag induce ng resistance laban sa tungro virus sa mga inbred rice, bacterial leaf blight (BLB) sa hybrid rice, insect pests such gaya ng green leaf hopper (GLH), brown plant hopper (BPH), rice stem borer, cutworm, at armyworm. ang kaugnayan sa population density ng mga beneficial arthropods, na kumo kontrol sa rice pest population ay kabilang rin sa i-evaluate.
Pangungunahan ni Dr. Gil L. Magsino, Director ng NCPC-CAFS, UPLB ang implimentasyon ng proyekto habang si Dr. Lucille V. Abad, Chemistry Research Section Head of DOST-PNRI, ang magsu supply ng carrageenan PGP para sa pitong rehiyon. “Rice production can increase by 15–40% depending on the response of rice to the prevailing environmental conditions,” ayon kay Magsino. Sa pagti test sa effectiveness ng carrageenan PGP sa mais, ipinaliwanag ni Magsino na tanging UPLB at Region 2 ang magsisilbing mga experimental sites.
Hinikayat rin ni Magsino ang mga agriculture extension workers na sanayin nila ang mga magsasaka sa paggamit ng teknolohiya dahil makakatulong sa kanila ito ng malaki. Ayon naman kay Abad, ipinaliwanang niya na ang carrageenan PGP ay makapag e-stabilize at least isang buwan pagkaraang ma proseso. Dagdag pa niya na ang kinakaing seaweed na ginamit sa produksyon nito ay inangkat dahil sa batas na nagbabawal na anihin ito sa bansa.
Sa pamamagitan ng nasabing proyekto, mababawasan ang paggamit ng mga magsasaka ng pestisidyong kemikal sa rice cropping season, at sinasabing makaradagdag sa kanilang kita? inaasahan naman ni Dr. Candido B. Damo ng DA Central Office na ang mga mananaliksik ng DA-DOST ay makapagde deliver ng kinakailangangoutputs para sa proyekto. Iba pang mga representante buhat sa DOST-PCAARRD, DA/DOST Regional offices at NCPC-CAFS, UPLB ay naroon din sa aktibidad. buhat sa impormasyong galing kina Joel Norman R. Panganiban, DOST-PCAARRD S&T Media Service (MJ Balaguer, 09053611058, This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.)