TFAW 2018 Ipinagdiriwang ng PAGASA

 

Ipinagdiriwang ngayong taon 2018 ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomiical Services Administration ng Department of Science and Technology (PAGASA-DOST) ang taunang Typhoon and Flood Awareness Week (TFAW) na may temang “Science and Technology Innovation a way to typhoon and flood Risk Reduction”.

Ayon kay PAGASA Administrator Dr. Vicente Malano na panahon na naman ng tag ulan at pagpasok ng mga bagyo sa bansa, kailangan nating bantayan ang panahon ngayon ng bagyo at ulan. Dalawa ang monsoon season ang south west at north east monsoon o amihan at habagat dahil sa mga dulot nitong pagbaha sa maraming lugar sa bansa upang maiwasan rin ang casualties.

Inaasahan din na magkakaroon ng mga pag ulan sa hapon o gabi kaya kinakailangan ang masusing paghahanda kapwa ng mga mamamayan at nang mga Local Government Unit sapagkat nabatid na nuong mga nakaraang tag ulan ay hindi naiiwasan ang mga disgrasya dahil sa kawalan ng kaalaman at tamang paghahanda.

Ang pagdiriwang ng taunang flood and typhoon awareness ay Batay sa proclamation 1535 series of 2008 na nilagdaan sa termino ng dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

Sa pulong balitaang isinagawa ng PAGASA sa kanilang punong tanggapan sa Lungsod Quezon ipinaliwanang ng mga dalubhasa sa opisyal na tagapag ulat ng panahon ang kanilang mga ginagawa upang mapaghandaan ng tao ang mga disaster na dulot ng  bagyo at ang pagbaha kaalinsabay ng TFAW 2018 ay ang samut saring aktibidad na maaring daluhan ng publiko upang matuto ang lahat ukol sa panahon, pagbaha at bagyo.///larawan at panulat buhat kay: michael balaguer, 09333816694,  This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.


Featured Links

PNHRS

http://www.healthresearch.ph

PCHRD

http://www.pchrd.dost.gov.ph

eHealth

http://www.ehealth.ph

Ethics

http://ethics.healthresearch.ph

ASEAN-NDI

http://www.asean-ndi.org

Login Form

Events Calendar

January 2025
S M T W T F S
29 30 31 1 2 3 4
5 6 7 8 9 10 11
12 13 14 15 16 17 18
19 20 21 22 23 24 25
26 27 28 29 30 31 1