Senior citizen diet

SIKRETO NG WASTONG NUTRISYON PARA KAY LOLO AT LOLA: Ano nga ba?

Ang mga lolo at lola ang bida sa pagdiriwang ng Elderly Filipino Week o Linggo ng mga nakatatanda tuwing unang linggo ng Oktubre (Oktubre 1-7) na pinapagtibay ng Presidential Proclamation No. 470. Ang taunang pagdiriwang ay naglalayong mabigyang diin ang mahalagang papel na ginagampanan ng mga nakatatanda sa pagbuo ng komunidad, gayundin ang pagtaas ng kamalayan, at pagtugon sa mga isyung kinakaharap hinggil sa sektor ng mga nakatatanda. Ngayong taong 2018, ito ay may temang: “Kilalanin at Parangalan: Taga-Sulong ng Karapatan ng Nakatatanda sa Lipunang Mapagkalinga!”

Sa pagkakaroon ng edad, nagkakaroon din ng iba’t-ibang karamdaman sina Lolo at Lola na nangangailangan ng masusing pag-aalaga sa kanilang kalusugan. Narito ang mga nutri-tips sa mga problema ng katandaan, sa pagpapanatili ng malakas na pangangatawan at wastong nutrisyon.

 
  1. Panghihina at kawalan ng ganang kumain.Kumain ng sapat at kung walang gana ay kumain ng pakonti-konti pero mas madalas. Mainam rin na magkaroon ng tatlo o higit pang kulay ng pagkain sa pinggan na makakapaghikayat sa pagkakaroon ng ganang kumain. Maliban sa kanin, maaaring alternatibong carbohydrateso pagkaing pampalakas ang kamote, gabi at mais.
  2. Kumain ng makukulay na gulay at prutas, isdang mayaman sa omega-3 fatty acidtulad ng tuna, mackerel, sardinas, talaba, broccoli, cauliflower at red pepper.
  3. Pagtitibi o constipation.Uminom ng tubig kada oras at tuwing kainan. Sa ganitong paraan, makakaiwas din saurinary tract infectionsat pagkalito. Nakakatulong din ang pagkain ng prutas at madadahong gulay na mataas safiber na siyang umaagapay sa maayos at normal na pagdumi ng tao.
  4. Hirap sa pagnguya.Ihanda sa maliliit na piraso ang pagkain at piliin ang malalambot na pagkain. Pwede ring i-steamang mga gulay at prutas para malambot. Sa ganitong paraan ng pagluluto, mas napapanatili ang mga sustansiyang taglay ng mga gulay at prutas.
  5. Hypertension o Altapresyon.Limitahan ang sodium at maaalat na pagkain. Gumamit ng iba’t ibang pampalasa tulad ng luya, kalamansi, bawang, sibuyas at iba’t ibang herbs. Isang utos mula sa 10 Kumainments ang hinay-hinay sa maaalat, mamantika at matatamis para makaiwas o hindi lumala ang sakit sa puso, hypertension, diabetes, kanser at iba pang lifestyle diseases.

Sa pamimili ng makakain, gumawa ng listahan ng mga bibilhin at gamitin ang senior citizen cardpara sa diskwento. Maaari ring magtanim ng gulay na magsisilbing ehersisyo na, libangan pa.Para sa halimbawa ng gabay sa pagpaplano ng pagkain ng mga nakatatanda, ang Food and Nutrition Research Institute (FNRI) ng DOST ay may nabuong Pinggang Pinoy for Elderly para sa edad 60 pataas.

Sa kabuuan, sundin ang mga payo mula sa 10 Kumainments at Pinggang Pinoy. Nawa’y ito’y iyong ibahagi sa iyong lolo at lola o sa iba pang nakatatanda bilang isang paraan ng pagpapakita ng iyong pagkalinga sa nakatatanda. Bawat isa, bata man o matanda ay may magagawa tungo sa lipunang malusog at masigla.

Source: http://www.nnc.gov.ph/


Featured Links

PNHRS

http://www.healthresearch.ph

PCHRD

http://www.pchrd.dost.gov.ph

eHealth

http://www.ehealth.ph

Ethics

http://ethics.healthresearch.ph

ASEAN-NDI

http://www.asean-ndi.org

Login Form

Events Calendar

January 2025
S M T W T F S
29 30 31 1 2 3 4
5 6 7 8 9 10 11
12 13 14 15 16 17 18
19 20 21 22 23 24 25
26 27 28 29 30 31 1