Ang mga taong na-infect ng TB bacteria, may HIV man o wala, ay hinihikayat na uminom ng isoniazid sa loob ng anim (6) na buwan (6H). Sa oras na maging available na sa bansa ang ibang gamot tulad ng 3 months of weekly rifapentine plus isoniazid (3HP) o 3 months of daily isoniazid and rifampicin (3HR) ay maaari rin itong ibigay sa iyo ng iyong doktor. Ang mga gamot na ito ay nirerekomenda ng World Health Organization (WHO) at napatunayang ligtas at epektibo.
Kung may katanungan tungkol sa TPT, punta lamang sa pinakamalapit na health center o TB clinic sa inyong lugar. #TanggalBacteriaPower #KonsulTayo #HealthyPilipinas
Source: Department of Health