DOH COVID-19: Case Bulletin # 584
Ngayong 4 PM, Oktubre 19, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 4,496 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 9,609 na gumaling at 211 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 2.3% (63,637) ang aktibong kaso, 96.2% (2,627,126) na ang gumaling, at 1.50% (40,972) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong October 17, 2021 habang mayroong 7 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 7 labs na ito ay humigit kumulang 2.8% sa lahat ng samples na naitest at 2.0% sa lahat ng positibong mga indibidwal.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.
Source: Department of Health